Habilin ni Lolo: Jardin de Memoria | Valenzuela City
Inihahatid namin sa inyo ang Jardin de Memoria sa Brgy. Punturin, Valenzuela City 🕊
Ang soon-to-rise na Jardin de Memoria sa Barangay Punturin ay isang state-of-the-art crematorium at memorial park na magkakaroon ng isang 5-storey columbarium na may higit 10,000 vaults. Nagkakahalagang PHP 198,664,000, ang proyektong ito ay magkakaroon din ng mga pasilidad, gaya ng viewing chapel, private family viewing area, at ang garden park.
Sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ay pinapahalagahan at inaalagaan ang bawat #PamilyangValenzuelano sa kanilang buhay mula simula hanggang dulo, kaya kahit ano pa ang ihabilin ng inyong mahal sa buhay ay sinisiguro naming may kaagapay kayo.
#JardinDeMemoria #HabilinNiLolo #Columbarium